Paano ang buhay karamay ang dilim?

Pagdaramda’y sa hangin lamang naibubulong… Kasama ang payapang tingin ng kaulapa’t hanging daluyong…

Kalangita’y tuloy ang pagdungaw… Sa isang kaluluwang walang balak gumalaw… Sa pagkakaupo’t pagdurusa… Kasama ang mga nangungupas na mata…

Naghihintay pa rin ng dadamay… Kasama ang kalawakang tahimik sa paghimlay… Kulang pa ang mga talang kahit papaano’y tanglaw… Sa pusong naninimdim, tuluyan ang pagpanglaw…

Sadyang naiguhit na sa pahina’t kailangan ng punitin… Ngunit hadlang ang isipa’t bumubulong na damdamin… Dama ang ihip ng hanging nagpupumiglas… Sa kadakilaan ng gabing sarili lang ang bakas…

Bakit ba sa tuwing sisikat ang araw ay lagi na lang napag-iiwanan? Sa kadiliman ng gabi’y tinapon, tinaboy at di man lang pinagbuksan…

Hamunin ang daloy at sadyaing magpakalunod sa buwan…

Bookmark and Share

Leave a Reply